Dalawang mangingisda, na-rescue ng Vietnamese sa West Philippine Sea

Photo courtesy of Naval Forces West

Na-rescue ng  Vietnamese Fisheries Resources Surveillance ship ang dalawang mangingisda matapos masiraan at lumubog ang kanilang bangka malapit sa Pugad Island sa West Philippine Sea hapon nitong November 9.

Kinilala ang dalawa na sina Jimlan Abdulla, 36 anyos, at Crisanto Civillia Misa, 43 anyos.

Maayos naman ang kalagayaan nila at naihatid na ng Vietnamese authorities sa Philippine Navy na nakabase sa Parola Island.

Exit mobile version