Kampo ni Mayor Danao, naniniwala na mababawasan ang 22 months na suspension order ng Pamahalaang Panlalawigan

Sa panayam ng Palawan Daily News sa programang Newsroom, ibinahagi ni Jojo Gastanes, tagapagsalita ng suspendidong alkalde ng Narra na si Gerandy Danao, na naghihintay na lamang ang kanilang kampo sa desisyon ng Opisina ng Presidente ukol sa pagpapaikli ng 22 buwang suspension order ni Mayor Danao.

Kumbinsido naman ang kanilang mga abogado na kakatigan ang kanilang petisyon dahil hindi tugma ang tagal ng suspension niya sa sinasabing paglabag sa batas.

“100% naniniwala ang mga abogado, ganun din si Mayor Danao at kami rin na mare-reverse [ang suspension order] kasi hindi angkop ang 22 months [na] suspension. Wala pang ganung desisyon na 22 months so sa paniniwala maaaring 6 months acceptable pa…base sa mga abogado.”

Dagdag pa nito, mataas ang posibilidad na makapagdesisyon na ang Tanggapan ng Pangulo sa mga susunod na araw.

“Maaaring anytime. Hindi natin alam pero [most probably] by this January or February ay ilalabas na yung decision diyan. Pina-follow up narin ng ilang mga abogado sa Maynila at nire-review ng maayos … So we are waiting the review of the Office of the President. What will be the outcome [ay] di pa natin alam.”

Noong Disyembre 2, ibinahagi ni Gastanes na ang apela ng kampo ni Suspended Mayor Gerandy Danao ay nakarating sa Opisina ng Presidente noong Oktubre 2, 2020 at nabanggit din nito na tatanggapin ni Danao kung ano man ang magiging desisyon ng Pangulo.

Exit mobile version