Magandang hanapbuhay, prayoridad ng bagong alkalde ng Narra

Nasa larawan ang bagong alkalde ng bayan Narra, Mayo Danao. Larawang kuha ni Sevedeo Borda III / PDN File

Sa isang ginanap na press conference bago manumpa si Mayor-Elect Gerandy Danao Ibinahagi niya kahit hindi siya nangako patungkol sa mga proyekto bibigyan prayoridad niya ang mga taga roon na magkaroon ng magandang hanap buhay sa pagtatayo ng mga estblishimento sa bayan ng Narra lalo na sa mga malalayong bahagi.

“Sa proyekto po wala po tayong ipinangako dyan pero sa nakita po natin ang priority po natin jan ang farm to market road, street lights po natin yung patubig po sa mga kababayan natin nasa medyong remote area po,” saad ni Danao.

Dagdag pa nito ang pagtatayo ng mga government agency sa naturang bayan.

“Tumangap po tayo ng mga establishmento kagaya po ng mga Landbank nayan yung LTO po nayan yung pier po sana maibaigay sa PPA (Philippine Ports Authority) para magkaroon ng emplayado para magkaroon ng magandang hanap buhay ang mga tao yun po ang kulang sa Narra, Kelangan natin maraming mag invest sa Narra para mag karoon ng maraming hanap buhay.”

Exit mobile version