Malaysian investors, nakipagpulong kay Cong. JCA at Lionheart Farms

Photo from Lionheart Farms

Nakipagpulong ang Lionheart Farms at Palawan 2nd District Congressman Jose Chavez Alvarez sa isang delegasyon ng mga investors mula Malaysia sa kanilang opisina sa Punta Baja, Rizal, Palawan noong Pebrero 22.
Ang pagbisita ay naglalayong ipakita ang potensyal ng Palawan para sa mga dayuhang investors.
Sa pulong, ang Lionheart Farms management team, na pinangunahan ni Senior Farm Manager Thomas Moeller, ay nagbahagi ng naging paglalakbay ng kumpanya, at nagbigay-diin sa kanilang pangako na sustainable practices, fair trade principles, at community development.
Binigyang-diin niya ang positibong epekto ng kanilang operasyon sa Palawan, partikular sa paglikha ng mga trabaho at paglago ng ekonomiya,
Samantala, ipinahayag din ni Congressman Alvarez ang kanyang pasasalamat sa kontribusyon ng Lionheart Farms sa pag-unlad ng lalawigan at pinuri ang kanilang pangako sa sustainable practices.
Nagpakita naman ng interes sa pamumuhunan sa sektor ng agrikultura ang mga Malaysian investors at potensyal para sa pakikipagtulungan sa lokal na mga kumpanya tulad ng Lionheart Farms.
Exit mobile version