One Palawan Movement: Mamimili sila ng boto sa plebisito

Naniniwala ang One Palawan Movement na posibleng magkaroon ng vote-buying kapag natuloy na ang plebisito sa pagtatatag ng tatlong probinsya sa Palawan.

Ayon kay Cynthia Sumagaysay-del Rosario ng One Palawan Movement, gagawin ng mga sumusulong nito ang kanilang mga nakasanayan tuwing election para manalo kabilang na ang paggamit ng kanilang makinarya.

“Syempre gagawin nila ang nakasanayan tuwing election, may makinarya sila, nasa kanila ang budget, nasa kanila ang pondo ng bayan. Kami naman sa One Palawan wala kami ganun makinarya at wala rin kaming pondo,” ani del-Rosario.

Aminado rin siya na wala silang kakayanang para tapatan ang Provincial Goverment na sumusulong nito kabilang na ang pamimigay ng kung ano mang bagay at yung sinasabi na kumpyansa ang mga sumusulong nito na mananalo ang “yes” sa darating na plebisto.

“Di namin kayang tapatan kung mamimigay sila ng bigas, delata, pera wala kami pang tapat doon sa ganun sestima-kung ang kanilang kumpyansa na mangyayari pa dating nakasanayan na may vote-buying. Pero sana ang ating mga kababayan ay may pagbubukas na. Nagising na sila ngayon taon panahon ng COVID ang dami nangyayari sa ating bayan,” pahayag nito.

Nang tanungin naman si Del Rosario kung naniniwala ito na may magaganap na vote-buying ay tahasang sinagot nito na sigurado lalo na aniya dati na itong nangyayari sa lalawigan.

“Sgurado yan kasi yun ang nakasanayan. Kaya siguro sila kampante dahil mga yung dati nilang strategy ay yun din ang gagawin nila, kasi kada election naman yan na ang issue at hinaing na paulit ulit nating naririnig,” saad nito.

Samantala sinagot at hinamon na lamang ni Provincial Information Officer Winston Arzaga ang One Palawan Movement na imbes na paratangan ng vote-buying ay pumunta na lamang ang mga ito sa iba’t ibang lugar sa lalawigan at bantayan ang ginagawa ng Provincial Government.

“Kung yun ang paniniwala nila e magbantay sila. Mag-organise sila pumunta sila sa mga lugar-lugar at bantayan yung gagawin ng Provincial Government kasi very speculative naman ang sinasabi nila. Siguro kung ako sa kanila instead na sabihin ko yan ay magbabantay nalang kami. Hindi kailangang gawin yan. All we do is to inform our constituents na mayroong botohan, na may issues concerned at malayang makapagboto,” pahayag ni Arzaga.

Exit mobile version