Palawan, may Mental Health Clinic at Drug Recovery Center na

Makakapagbigay serbisyo na sa mga Palaweño ang kauna-unahang Mental Health Clinic at Drug Recovery and Wellness Center na itinayo sa Brgy. Antipuluan, Narra, Palawan matapos pormal na buksan ito kanina, Enero 28, 2021.

“First time po ito sa ating lalawigan, again project po ito ni Governor Alvarez na naka-adjunct diyan sa bayan ng Narra Hospital. At mahalaga din po dito mayroon po tayong mga professionals, psychiatrist at iba pang related field na puwedeng ma-avail ng kanilang services diyan po sa center.” Ayon kay Provincial Information Officer(PIO) Winston G. Arzaga

Samantala hindi lang umano ito para sa mga mamamayan ng Narra bagkus para sa lahat ng mga Palaweño. Dumalo sa inagurasyon si Palawan Governor Jose Chavez Alvarez kasama ang ilang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan maging mga kinatawan ng LGU Narra.

Photo from PIO
Exit mobile version