PH Nikkiejin Legal Support Center, nagsagawa ng research sa mga descendants na matagal ng naninirahan sa bansa

Photo from PIO-Palawan

Pinaghahanap ngayon ng Philippine Nikkiejin Legal Support Center ang mga kamag-anak ng mga Hapon na nag migrate sa Pilipinas noon pang panahon ng World War ll.
Ang Philippine Nikkiejin Legal Support Center ay isang organisasyon na layunin na matuonan ng gobyerno ng Japan ang mga descendants ng mga Hapon na nasa Pilipinas noong panahon ng nasabing pandaigdigang digmaan.
Kanila itong ibinahagi sa regular session ng Sangguniang Panlalawigan kahapon, araw ng Martes, Agosto 8.
Ang “Nikkeijin” ay isang Hapones na termino para sa mga Hapones na nagmimigrasyon at ang kanilang mga inapo na nagtatag ng mga pamilya at komunidad sa mga bansang tinanggap sila. Sa ngayon, may mga 2.6 hanggang 3 milyong tao na may Hapones na lahi na naninirahan sa buong mundo, karamihan sa kanila ay nasa mga Amerika.
Sa kaso ng Pilipinas, maraming Hapones ang nagmigrasyon mula noong ika-19 siglo hanggang 1945, at marami sa kanila ang nag-asawa ng mga Pilipina at nagkaroon ng mga pamilya. Ang mga anak at inapo nila ay tinatawag na “Philippine Nikkeijin,” na nagsimula noong pumutok ang World War II noong 1941.
Ang “Philippines Nikkeijin Legal Support Center” (PNLSC) ay isang non-stock non-profit organization na nagconduct ng pananaliksik tungkol sa mga Hapones na nagmigrasyon sa Pilipinas at nag-asawa ng mga Pilipina noong panahon bago sumiklab ang digmaan. Itinatag ito noong 2003.
Bunga ng ika-100 taon ng pagmimigrasyon ng mga Hapones sa Baguio, ito ay itinatag batay sa malalim na pagkilala sa pangangailangan na magbigay ng suporta sa mga Philippine Nikkeijin na nagdanas ng hirap noong World War II at sa mga pagsubok na sumunod.
Ang bawat tao ay may karapatan na malaman ang kanilang pinanggalingan, na isa sa mga pangunahing layunin ng organization.
“Ang aming layunin ay tulungan ang mga Philippine Nikkeijin na maibalik ang kanilang pagkakakilanlan bilang Hapones o Nikkeijin at palawakin ang kasaganaan at katiwasayan ng Nikkeijin society sa buong Pilipinas, na may pag-asang makatulong sa mas mabuting ugnayan sa pagitan ng Hapon at Pilipinas,” pahayag ni Norihiro Inomata na siyang Representative Director ng Organization PNLSC.
Ang PNLSC na ito, ay suportado ng Japanese Government at mag iisang taon na, sa kanilang paglalakbay sa buong Pilipinas sa Davao City nasa mahigit 3,000 descendants ang kanilang na survey na naninirahan na at may mga pamilya na.
Habang sa Palawan, partikular sa bayan ng Narra, Coron, El Nido, Busuanga at bayan ng Taytay ay mayroon lamang 54 descendants ang kanilang nahanap at nakausap.
“Kami rin ay nakikipag-ugnayan sa Hapones na pamahalaan tulad ng Ministry of Foreign Affairs sa Japan at nagko-cooperate kami sa Philippines Statistics Authority, at sa Philippines Nikkeijin Association. Kasama rin namin ang mga international organizations tulad ng United Nations High Commissioner for Refugees para sa tulong sa mga Nikkeijin.
Hihikayatin din ang mga ito kung nais bumalik sa kanilang bansa at tutulungan din na makita ang kanilang pamilya sa Japan.
Exit mobile version