PTF-ELCAC, kinundena ang nakaraang panibagong pag-atake ng NPA

Mariing kinundena ng Palawan Provincial Task Force–Ending Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) ang panibagong pag-atake ng mga makakaliwang-grupo sa Lalawigan ng Palawan noong Lunes.

“This incident, is another proof of the communist terrorists’ self-centered interest, outright disregard for life, and gross violation of human rights by attacking government forces which are continuously providing support to the communities of Palawan amidst COVID-19 pandemic. Such act proved once again that the NPA are operating not to serve the people as they falsely claim, but to espouse their agenda of creating fear and violence,” ayon kay Gob. Jose C. Alvarez na siya ring Co-Chairman ng PTF-ELCAC sa inilabas nilang statement ngayong hapon.

Matatandaang dakong 2:45 pm noong Lunes, habang ang mga personnel ng 3rd Marine Company (3MC) ng MBLT-3 ay nagsasagawa ng mobile security patrol kaugnay sa naunang ambush noong araw ng Linggo sa dalawang personnel ng Dumaran MPS sa Sitio Ibangley, Brgy. Abongan, Taytay, nang paulanan sila ng bala ng di pa batid na bilang ng mga NPA terrorists. Tumagal umano ang palitan ng putok ng 10 minuto na nagresulta sa pagkakapaslang ng isang sundalo at pagkakasugat ng tatlong iba pa.

“The PTF-ELCAC will continue to collaborate with the PNP and other government agencies for security efforts, and to intensify focused military operations as well as community support programs in order to dismantle the remaining members of NPA in Palawan. We are urging the public to cooperate with the government forces by sharing vital security information from their communities and to refrain from extending any form of support to the communist terrorist so that together, we can finally put an end to their evil acts. This attack is atrocious, illegal and inhuman,” ang naging pahayag naman ni LtGen. Erickson R Gloria, commander ng Western Command (WESCOM) na Co-Chairman din ng PTF-ELCAC.

Muling nananawagan ang pamahalaan sa mga Pilipino na tinawag nilang nananatiling naniniwala sa mga maling pangako at panlilinlang ng Communist Terrorist Groups na manibagong-buhay na, isuko ang armas, at sumuko. Dapat umano nilang tularan ang iba nilang mga kasamahan na niyakap ang bagong buhay.

Nakasaad pa sa statement na dapat nilang samantalahin ang Enhanced Comprehensive Local Integration Programs (ECLIP) ng National Government at ang LSIP ng Provincial Government na tumutulong sa maayos na pagbabalik-loob ng mga NPA sa gobyerno at sa normal na buhay sa pamamagitan ng financial aid at iba pang socioeconomic at psychological interventions.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay ang bumubuo ng PTF-ELCAC sa mga naulila ni Pfc. Cristian Cuarto.

“His gallantry will continue to inspire us to accomplish more for the common good,” ayon pa sa Gobernor.

Exit mobile version