Imbestigasyon pa ng BFP Taytay sa nangyaring sunog sa kusina ng Curia Building Apostolic Vicariate ng Taytay bandang 12am kanina, Mayo 13.
Kasamang natupok ang sasakyan na ginagamit ni Bishop Broderick Pabillo.
Ayon sa kanya mabilis na kumalat ang apoy sa kanilang building at natupok ang kusina, kainan, at sasakyan.
“Mga alas-12 ng hatinggabi dinapuan ng apoy ang aming building. Ang bilis ng kalat ng apoy at nasunog po ang tirahan ng aming cook at driver. Kasama na po ang sasakyan na ginagamit ko sa aking pagbibisita sa mga parokya. Ar naubos po ang aming kusina at kainan. Mabuti na lang at napigilan namin ang apoy na kumalat kung saan nakatira ang mga pari,” pahayag ni Bishop Pabillo.
Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection Taytay ang nangyaring sunog at wala naman napaulat na nasaktan sa insidente.