Tatlong magkakamag-anak pinagtataga, dalawa ang patay

Pinagtataga ang tatlong katao habang natutulog sa kanilang tahanan sa Barangay Sandoval, Bataraza, Palawan noong Enero 17, 2025, bandang ika-10 ng gabi.

Ang mga biktima ay kinilala bilang si alyas Dan, 31 anyos, isang magsasaka, si alyas Myra, 31 anyos, na binawian ng buhay at si alyas Gina, 55 anyos, ina ni alyas Myra kasalukuyang ginagamit sa hospital. Lahat sila ay residente ng Barangay Sandoval, Bataraza.

Ayon sa ulat ng Palawan Police Provincial Office, natutulog ang mga biktima nang biglang dumating ang suspek na may dalang patalim at walang awang pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Agad na tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Si alyas Gina at alyas Dan ay dinala sa Bataraza District Hospital, ngunit idineklarang dead on arrival si alyas Dan.
Si alyas Myra naman, na tumakas upang makaiwas, ay natagpuang patay sa masukal na bahagi ng lugar bandang alas-7:28 ng umaga noong Enero 18, 2025.
Sa karagdagang imbestigasyon, nakilala ang suspek bilang si alyas Jojo, pamangkin ni alyas Gina, ngunit hindi pa ito nahahanap at patuloy na manhunt operation ng PNP upang mahuli ang suspek.
Exit mobile version