Hinuli ng Araceli Municipal Police Station ang tatlong lalaking nangingisda gamit ang compressor sa karadagatang sakop ng Bayan ng Araceli.
Ayon sa Report ng PNP, habang umiikot ang sila ganap na 10:00 PM Nobyembre 4, 2021 sa Era Reef, Brgy. Dalayawan nasaksihan nila ang tatlo na sumisisid gamit ang compressor.
Agad na hinuli ang mga ito dahil sila ay lumabag sa Violation of Provincial Ordinance No. 819 Series of 2005 as amended by Provincial Ordinance No. 1643 (Banning of the use of Air Compressor as Breathing Apparatus in Illegal Fishing Activity in the Province of Palawan).
Hindi na pinangalanan ng PNP ang tatlo at posibleng pagmumultahin.