Umano’y buntis na ginang, patay nang barilin ng sarili nitong mister sa Aborlan

Photo credits to Aborlan PNP

Wala ng buhay nang makarating sa ospital ang isang ginang na kinilalang si Amelita Falcosantos, na pinaniniwalaang buntis ayon sa mga kapitbahay, matapos barilin sa ulo ng sarili nitong asawa na kinilalang si Angelo Falcosantos.
Ayon sa ulat ng PNP, kaninang umaga, Mayo 22, ng mangyari ang insidente sa Sitio Bubusawin sa Barangay Aporawan, Aborlan, Palawan.
Ayon sa salaysay ng kapitbahay, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa sa loob ng kanilang bahay, bago nakarinig ng magkasunod na putok ng baril.
Tangay din umano ng suspek ang kanilang maliit na anak ng ito ay tumakas, ayon pa rin sa mga saksi.
Samantala, patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng PNP Aborlan sa krimen.
Exit mobile version