PUERTO PRINCESA CITY – Arestado ang isang ginang pagkatapos ng ito ay masakote sa ikinasang buy-bust operation ng Police Station 2 sa pangunguna ni Police Chief Inspector Reynald O. Pagulayan at Police Inspector Mark Anthony B.Maceda sa bayang ito nitong 7:30 ng gabi, Hulyo 4, 2018.
Sa eklusibong panayam ng Palawan Daily News Team sa suspek na si Imelda Buncag Leoncio, napag utusan umano siya ng kanyang ninong o tiyuhin na kunin ang isang package sa isang courier company dito sa lungsod.
Kapalit ang P2,000, ito ay pangalawang beses na sya ay napag-utosan ng kanyang ninong na nakakulong naman ito sa piitan dito sa lungsod.
Ang suspek ay dati itong barangay tanod ng Barangay Tiniguiban.
Mariin namang itinanggi ng suspek na sya ay nagbebenta o gumagamit ng illegal na druga.
“Continue pa rin ang fights against illegal drugs, at pangatlong accomplishment na natin ito,” ani PCI Pagulayan.
Dahil sa mabusising pag monitor ng mga tropa ng mga kapulisan, nahuli ang naturang suspect.
Ayon kay Kapitan Balbino Parangue ng Barangay Sicsican, ‘’Bilang bagong halal na barangay kapitan, ang masasabi ko na na ang barangay as of now ay hindi safe sa mga ganitong gawain, ngunit nagpapasalamat pa rin ako sa PNP na nasusubaybayan nila ang ganitong gawaing illegal.‘’
Dagdag pa ni Kapitan Parangue na makakaasa ang mga tao na lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang pagbabantay sa kanilang nasasakupang barangay.
Samantala, tinatayang nasa 15 grams ng illegal na droga ang nasabat ng mga otoridad sa suspek kung saan nasa P102,000 ang street value ng shabu na nakalagay sa loob ng kahon ng gatas.
Mahaharap naman sa kasong paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek.
Discussion about this post