Single ka ba ngayong Araw ng mga Puso? Besh, ‘wag kang mag-alala, di ka nag-iisa.
Sinabi kong di ka nag-iisa dahil base sa resulta ng ginawang sarbey ng DSWD Listahanan noong 2015, mula sa 325,371 total assessed individuals ay mayroong 114,722 ang “single” sa lalawigan ng Palawan (Kaya ‘wag nang malungkot, may karamay ka!). Two thousand fifteen (2015) pa ang batayan natin dahil noong 2019 lamang sinimulan ang “Listahanan Third Round Household Assessment” na nagpapatuloy naman ngayong taon para sa validation.
Sa 114,722 na bilang naman na nag-e-edad 18 hanggang 40 taong gulang, 69,877 dito ay mga kalalakihan habang 44,845 ang mga kababaihan. Kung pagbabatayan ang kabuuang sumailalim sa survey para sa Listahanan program, ito ay katumbas sa 35.3 percent.
Narito ang Top 15 sa may pinakamaraming “single” sa lalawigan:
1) Lungsod ng Puerto Princesa- Mayroong 19,771 ang naitala mula sa kabuuang 53,801 na sumailalim sa survey.
2.) Munisipyo ng Narra-9,566 mula sa kabuuang 22,539.
3.) Taytay-9,082 (25,367)
4.) Roxas-8,410 (22,352)
5.) Brooke’s Point-7,185 (21,571)
6.) Quezon-6,293 (18,495)
7.) Bataraza-6,099 (24,858)
8.) Coron-5,394 (16,204)
9.) Aborln-4,575 (11,728)
10.) El Nido (Bacuit)-4,130 (11,820)
11.) Balabac-4,100 (14,946)
12.) San Vicente-3,972 (10,521)
13.) Jose Rizal-3,786 (13,906)
14.) Cuyo-3,526 (7,368)
15.) Sofronio Española-3,188 (9,510)
At hulaan n’yo ang pinakakunting bilang ng “single”–Tama! Sa Munisipyo ng Kalayaan sa West Philippine Sea (WPS) na mayroon lamang 14 mula sa 45 assessed individuals (Pero take note, buti nga sa Brgy. Pag-asa may nakatira pa, may isang barangay nga sa Bayan ng Roxas na wala ng nakatira–pero iyon naman ay ibang estorya).
Ngunit tandaan, na anuman ng istatus natin, ang mahalaga ay matagpuan natin ang “tunay na kaligayahan”–na ‘ika nga nila, dapat hindi mo idepende sa kapwa mo.
Discussion about this post