Muling binisita ng mga tauhan ng Roxas Municipal Police Station (MPS) ang Muslim community sa Barangay 2, Roxas, Palawan kahapon upang magsagawa ng Salaam Sambayanan/Santinig.
Sa Facebook post ng Roxas MPS, nakasaad na tinalakay ng kanilang mga personnel ang ukol sa RA 9165, RA 7610, RA 9262 at RA 8353, at maging ang Anti-Fencing Act at ang Anti-Terrorism Act.
Ipinaalaala rin ng nasabing mga police personnel sa komunidad ang kahalagahan ng patuloy na pag-iingat laban sa nakahahawang sakit na dulot ng COVID-19 gaya ng pag-obserba ng social distancing at mandatory na pagsusuot ng facemask kapag lumalabas ng bahay.
Samantala, makikita sa social media account ng mga himpilan ng pulisya sa Lalawigan ng Palawan ngayon, gaya rin sa iba pang panig ng bansa, na bagama’t kasama sila sa pagtugon sa banta ng COVID-19 ay hindi rin sila humihinto sa pagpapaalaala sa mga Palawenyo sa mga umiiral na batas, sa karapatan ng mga kababaihan at kanilang mga anak, laban sa iligal na droga, sa mga krimen, at iba pang mahahalagang batas, sa pamamagitan ng mga ipinapaskil nilang infographics o impormasyon sa kani-kanilang social media account.
Discussion about this post