Nagsagawa ng outreach program ang Coron Municipal Police Station (MPS) kahapon ng hapon at namigay ng tulong sa kanilang mga adopted families, na mapapansing ginagawa rin ng lahat ng mga police station sa lalawigan ng Palawan at sa bansa ngayong panahon ng pandemya.
Sa post ng nasabing himpilan ng pulisya sa kanilang Facebook account, nakasaad na sa superbisyon ni Coron MPS Chief of Police, PMaj. Thirz Starky Timbancaya ay namahagi sila ng sixth wave ng relief goods sa kanilang mga tinaguriang inampong mga pamilya bilang pakikiisa sa programang “Kapwa ko, Mahal ko” ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.
Ang nasabing kanilang adopted family ay binubuo ng dalawang pamilya na pawang nakatira sa Barangay Poblacion 1 sa Bayan ng Coron, Palawan.
“This activity is part of the PNP’s ‘Kapwa Ko Sagot Ko Project’ while [the Province of Palawan is] under General Community Quarantine (CGQ) in connection to COVID-19 pandemic,” ang bahagi ng post ng Coron MPS.
Ilan naman sa mga hashtag ng Philippine National Police sa ngayon na in-adopt gaya ng Coron Police Station ay “PNP Kakampi Mo Laban Sa COVID-19,” PNP Good Deeds” at Patrol Plan 2030.
Discussion about this post