Umabot na sa 26,907 ang mga natanggap na application for registration ng Commission on Election (COMELEC) Provincial Office mula sa iba’t ibang munisipyo ng lalawigan ng Palawan para sa darating na National Elections sa susunod na taon.
Base sa kanilang talaan, mula noong July 2 hanggang September 1 ng kasalukuyang taon ay nangunguna pa rin sa may pinakamaraming aplikasyon ang lungsod ng Puerto Princesa na may 8,631, sinusundan ng bayan ng Bataraza na may 2,592, Brooke’s point na may 1,839, Coron na may 1,646, at bayan ng El Nido na may kabuohang bilang na application na 1,489. Samantala naitala parin na nangunguna sa uri ng aplikasyon sa provincial Comelec ay ang mga botanteng bago pa lang nagparehistro na umabot sa 11,464.
Habang 7,493 naman ang mga nagpa-transfer ng registration mula sa ibang lugar, 2,838 para sa reactivation, 3733 para sa transfer within same city o municipality, at 1379 para naman sa change of name o correction of entry.
Sa 26,907 na nagparehistro, 12,922 rito ay mga lalaki habang 13,985 naman ay babae.
Samantala, nagpaalala ang provincial COMELEC sa mga hindi pa nakakapagpapatala sa kanilang opisina na piliting magparehistro ng mas maaga upang hindi maabala at makipagsiksikan sa oras ng deadline na ibinigay ng Commission on Elections na September 29, 2018. Mayroong 583,057 registered voters ang Palawan noong 2016 elections.
Discussion about this post