Nagtamo ng pinsala ang dalawang sasakyan at sugat ang mga sakay dito ng nagbangaan sa Sofronio Española.
Sugatan ang sakay ng pulang Honda TMX motorcycle na si Malvan Malok Masmog, 24 anyos, may asawa, magsasaka, walang driver’s license, at residente ng Brgy. Labog, Sofronio Espanola.
May sugat din si Michael Pasion Arguelles, 41, may asawa, may Professional Driver’s License na mai-expire sa May 18, 2022, at driver ng kulay puting Hiace commuter van na residente naman ng Brgy. Malinao, Narra.
Sa spot report mula sa PPO, nakasaad na dakong 4:00 pm kahapon, September 14, 2020, tinatahak ng motorcycle driver ang pakanlurang direksyon ng kahabaan ng National Highway na sakop ng Brgy. Labog mula sa kalapit na sitio ng kanilang barangay at pabalik na sa kanilang tahanan habang ang shuttle van driver naman ay mula sa Bayan ng Brooke’s Point at patungong Puerto Princesa City.
Nang makarating umano sa pinangyarihan ay nagbanggaan sa magkabilang gilid ang nabanggit na mga sasakyan na naging nadilan upang makahulod ang drayber ng motorsiklo sa lupa at magtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan habang ang shuttle van driver naman ay nagtamo ng kunting pinsala sa kanyang paa.
Dinala naman ng mga first responder ang dalawang mga drayber sa Barangay Labog Health Station para sa pang-unang lunas at inilipat sa Southern Palawan Provincial Hospital (SPPH) sa Bayan ng Brooke’s Point upang maipagamot.
Nagtamo naman ng di pa alam na pinsala ang nasabing mga sasakyan na pansamantalang unang inilagay sa kustodiya ng Brgy. Labog at nakatakdang dalhin sa Sofronio Española MPS para sa tamang disposisyon.
Discussion about this post