Naglabas ng sama ng loob sa Social Media ang isang babae matapos hilain at sakalin ng hindi pa nakilalang lalaki mga bandang 8:00 PM noong nakaraang gabi sa bahagi ng Libis sakop ng Barangay San Pedro, Puerto Princesa City.
Base sa Facebook post ni Angelica Quicho, bumili lang ito sa tindahan malapit sa kanilang bahay ng mapansin nito na may isang lalaking naka-scooter ang sumusunod sa kanya, bumaba pa umano ito sa motor, nagtanong sa kanya bago sya hinila at sinakal. Mabilis naman nakasigaw ang biktima dahilan upang bitawan ng suspek at agad tumakas.
Dagdag pa nito, nagkataon na sira ang CCTV sa kanilang lugar pero nagbigay ito ng posibleng pagkakakilanlan sa suspek.















Discussion about this post