Nasa kamay na umano ng Technical Service Department ng Palawan Electric Cooperative ang kapalaran ng pag aalis sa kanilang mga poste na tinamaan sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways.
Ayon kay Claire Guludah tagapagsalita ng PALECO, sa kanilang board meeting ay napagpasyahan na hindi idadaan sa bidding kundi by administration na lamang at nasa Technical Services Department na ang pag aasikaso nito.
“noong nakalipas na boad meeting ay napagpasyahan-by administration na lamang po ito at hindi na idadaan sa bidding para mas mabilis, kung kaya ang bola ay nasa technical services department para sa pagkalap ng program of works para po sa kalahatan patungkol po sa bagay na ito,” ani Guludah.
Ipinaliwanag din nito na hindi umano biglaan ang paglilipat ng poste dahil marami ang dapat i-kunsidera kabilang na ang mga consumers na mawawalan ng kuryente.
“Ang paglilipat nyan ay hindi basta-basta, kasi kinakailangan may materyales na i-consider mo, yung oras at panahon at yung mga member consumers owners na maaapektuhan kapag ikaw ay nag patay ng kuryente at kung gaano katagal, gaano kahaba ang pagkawala ng daloy ng kuryente,” paliwanag ni Guludah.
Samantala sa ngayon ay 50% o kalahati sa kabuuang pondo ang naibigay ng DPWH sa PALECO na nagkakahalaga ng 35 million pesos na kung saan ay matagal na umano nilang hinihintay.
“Ang 35 million pesos ay nasa PALECO na, pero pagkatapos po magkaroon na napasakamay ng PALECO ay hindi po agad agad ang pagsasaayos, dahil marami parin ikukonsidera,” karagdagang pahayag ni Guludah.
Discussion about this post