Nakatakda nang tumanggap ng Local Stranded Individuals (LSIs) at Returning Overseas Filipinos (ROFs) ang bayan ng Cuyo, Palawan.
Ayon kay Cuyo Mayor Mark Delos Reyes, sa susunod na linggo ay tatanggapin na ang LSIs at ROFs mula sa Manila at Iloilo, habang ngayong linggo naman ay posible nang payagan ang mga magmumula sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Ipinaalala rin ng alkalde na kailangang kumpletuhin ang mga kinakailangang dokumento bago payagan na pumunta sa Cuyo, kung saan sasailalim ang mga ito sa quarantine.
“Kailangan lang po kumuha sa Mayor’s Office ng acceptance bago sila makakuha ng ticket sa kung anong barko ang sasakyan nila at kukuha [rin] ng travel authority sa PDRRMO. [Ang mga manggagaling sa] Manila at Iloilo,sila po ay [sasailalim sa] 14 days quarantine sa facility dito. [Ang mga manggagaling] ng Puerto Princesa, home quarantine lang po sila,” pahayag ni Delos Reyes.
Samantala, inaasahan na mas mahigpit ngayon ang bayan ng Cuyo sa pagbanbantay sa mga papasok sa kanilang munisipyo upang hindi umano maulit ang pag-lobo ng kaso ng COVID-19.
“Doble ingat at doble higpit po kami dito upang di maulit [ang] naging sitwasyon namin noong nakaraan dito,” karagdagang pahayag ni Delos Reyes.
Discussion about this post