Bagamat nasa loob pa ng quarantine facility at nasa pangangalaga ng Police Station 1 (PS1) ng City PNP upang tapusin ang kanilang quarantine days, kahapon ay nakapagpiyansa na ang 10 indibidwal na dumating sa Palawan para sa umano’y medical mission sa sur ngunit hawak naman ay mga palsipikadong dokumento.
Ayon sa spokesperson ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) na si PMaj. Mhardie Azares, P18,500 ang halaga ng piyansa ng bawat isa para sa kasong isinampa laban sa kanila na paglabag sa Article 172 (Falsification by private individual) ng Revised Penal Code (RPC).
Matatandaang Dec. 3 nang maihain laban sa nasabing mga suspek ang kaso matapos na maaresto noong Dec. 2.
Samantala, habang sinusulat naman ang balitang ito ay patuloy ang isinasagawang validation at verification ng mga otoridad hinggil sa kung totoong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang naturang mga indibidwal.
Discussion about this post