Patuloy sa pagkalap ng donasyon ang proyektong sinimulan ng Barkadahan ng Immaculada Concepcion (BNIC) sa Immaculateion Cathedral Parish (ICCP) Concept ng lungsod ng Puerto Princesa, na may layuning iparamdam sa mga kabataang nangangailangan ang diwa ng Pasko.
Ang Makibata project ay tumatanggap ng mga donasyong laruan, School supplies at iba pang pangangailangan ng mga bata, tumatanggap din sila ng mga Cash donations na maaari niyong ipaabot mismo sa kanilang tanggapan, meron din silang “Tala para sa mga bata” kung saan nagbebenta sila ng mga Christmas symbol na nagkakahalaga ng 20 hanggang 500 piso na isasabit sa Christmas tree, at ang mga perang malilikom mula rito, ay mapupunta rin sa mga batang benipisyaryo sa baranggay Bancao-bancao.
“Layunin talaga ng Project namin ‘yung maihatid sa mga batang nangangailangan yung essence ng Christmas, lalo na ngayong Pandemic na sila ‘yung pinaka isa sa naaapektuhan, kasi nga pasko dapat sila ‘yung mga dapat na masaya ngayon, So dahil Pandemic, nais naming ihatid sa kanila ‘yun, sa pamamagitan ng MAKIBATA.”-Ivan Cervantes. (Head of BNIC Choir)
Ang nasabing proyekto ay pinasimulan noong ika-8 ng Disyembre, araw ng kapistahan ni Imaculada Konsepsyon na siyang patron ng Lungsod at ipinagpatuloy sa unang araw ng pagsisimula ng simbang gabi nitong Martes, Desyembre 15.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy silang tumatanggap ng donasyon hanggang Disyembre 24, at sa Disyembre 28 naman ay kanila nang ipamamahagi ang mga nakalap na donasyon.
Discussion about this post