Nakataktang ipatawag sa Committee on Transportation ng Sangguniang Panlalawigan ang mga representante ng mga pampublikong sasakyan na bumibiyahe sa Palawan. Nais kasi nilang malaman kung nasusunod pa ba ang ipinapatupad na minimum health standard at magkano ang presyo ng pamasaheng sinisingil sa mga commuters ngayong may pandemya.
“Tayo ay nananawagan na dumalo sa susunod na pagpupulong ng Committee on Transportation ang mga representante ng transport group particular doon sa operation ng vans, ng shuttle busses at ng mga busses…sa norte at sa sur ng lalawigan ng Palawan na may kinalaman doon sa pagpapatuloy ng implementasyon ng minimum public health standards at yung kaukulang pasahe na kung saan sinisingil sa ating mga kababayan.” Ani 2nd District Board Member Ryan Maminta sa kanyang privilege speech.
Inanyayahan din na dumalo sa pagpupulong si Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Jerry Alili upang makausap ito ukol sa pagpapatupad ng health and safety protocols sa pampublikong sasakyan ngayong may pandemya ng COVID-19.
Discussion about this post