Patuloy pa rin pinaghahandaan ng Puerto Princesa City COVID-19 Vaccination Council (PPC-COVAC) ang magiging sa proseso ng pagbabakuna matapos makumpirma ng Local Government Unit (LGU) ng Puerto Princesa City na nakapaglagda na sila para sa procurement ng AstraZeneca vaccine.
Ayon kay City Health Officer at Chairman ng PPC-COVAC Dr. Ricardo Panganiban, wala pang eksaktong petsa kung kailan darating ang mga bakunang binili ng pamahalaang panlungsod ngunit patuloy parin ang preparasyong ginagawa ng konseho.
“Hindi naman tayo makasabi kung kalian talaga pero hindi yun immediate kasi alam naman natin yung demand ng buong mundo eh nandun yun siya so mag-aantay talaga tayo… Nagpreprepare pa rin kami kasi yung national government ganun pa rin, nagpre-prepare pa rin…”
Binabalak naman ng PPC-COVAC na magkaroon ng ‘simulation’ ng pagbabakuna para maisaayos ang magiging proseso ng pagbibigay nito ng bakuna sa mga mamamayan ng lungsod.
“…balak naman namin mag-simulate pa kung paano kasi ibibigay…parang nakikita namin doon sa aming orientation lastweek… Mabagal siya… sinubukan nila [ng National Government] kung susundin yung proseso nung guidelines kung paano gagawin yung vaccination mismo tapos nasa 30 minutes to 1 hour ang isang tao. Marami kasi dadaanan marami kailangang gawin hindi siya yung regular na bakuna na dati na nating ginagawa [at] madali lang.”
Dagdag pa ni Dr. Panganiban na maaari pang bumili ng ibang klase ng COVID-19 vaccine depende sa mga inaprubahan ng Pamahalaang Nasyunal.
“Yun pa lang yung officially na meron tayo…kasi sila [AstraZeneca] palang yung meron tayong kontrata na magprovide sa atin ng bakuna.”
Sa kasalukuyan ay binubuo pa rin ng National Government ang magiging guidelines ng pagbabakuna sa buong bansa.
Discussion about this post