Emosyonal ang parish priest ng La Immaculada Conception sa Bayan ng Culion matapos ang pa ulit-ulit na insidente ng pagtanggal ng kanilang mga campaign materials kontra sa paghahati sa Palawan sa tatlong (3) probinsya.
Ayon kay Father Roderick Yap Caabay patunay umano ito ng pangha-harass sa Simbahang Katolika na magpahayag ng kanilang saloobin sa pag tutol na mahati sa tatlong probinsya ang Palawan.
“What happened is not just an assault on the parish of La Immaculada , this is also an assault to the church’s right to the freedom of religion, sa karapatan ng simbahan na magpahayag ng kanyang pagtuturo at mga kuro-kuro ano? For the common good ? And sa tingin ko hindi ko pa nakausap masyado ang ibang mga kaparian but some have called me already and thanking me for the courage? To to bring this out to the social media.”
Dagdag pa ni Father Caabay, hindi ito ang unang insidente ng pagtanggal ng kanilang mga campaign materials. Sa katunayan umano, ito na ang ika-limang na nangyari ito sa kanilang simbahan at maging sa mga chapel sa Culion.
“Doon sa Brgy. Balala, kinabit po nung December 27 at tinanggal po nung January 3. Sa Brgy. Patag, kinabit po natin nung January 12. Two days after that, January 14, tinanggal po yan. Sa Demacuang, kinabit po natin nung January 11, tinanggal po yan nung January 17. Sa Pilapil, kinabit natin nung January 11 yan, tinanggal ng January 19. Sa Caburian, kinabit natin ng January 12 pinipilit nilang matanggal pero nakatakas sila nung January 16.”
Nanawagan naman si Father Caabay sa mga taong nasa likod nito na sana umano ay respetuhin ang kanilang pananaw at kalayaan sa pagpapahayag ng kanilang ipinaglalaban.
“Una po ay respeto. Maging marespeto tayo sa kalayaan ng tao sa pamamahayag, this is protected by the constitution. Tarpaulin is an expression of peoples opinion, peoples stand on certain matters. Ngayon kung meron silang tarpaulins na for the YES eh di maglagay din sila.”
Samantala plano naman ng simbahan na maghain ng formal complaint sa mga awtoridad upang masusing maimbestigahan at matukoy ang mga salarin.
Discussion about this post