Marami umanong natutunan ang Commission on Election (COMELEC) sa katatapos na botohan kaugnay ng paghahati ng Palawan sa tatlong probinsya na maaaring magamit din sa 2022 National at Local Elections.
“Marami tayong leksyon na makukuha dito sa plebisito na ito, makikita natin kung paano ang pag-organize ng mga polling places, yung polling booth pa lang that’s almost definitely going to be seen during the National and Local election. Yung paggamit ng voter assistance desk, yung expanded role ng voter assistance desk at ng mga citizen’s arm. Magandang model din itong nangyari sa Palawan for the National Election,”
“Nakita natin very effective yung ating polling booth, yung first time nating ginamit after a very long time. Nakita natin yung mga tao naka-gwantes lahat and walang akong nakita na hindi naka-mask, so this a very good signs that compliance is very high and we hope that the rest of the Philippines can learn from Palawan’s example.” pahayag ni James Jimenez, tagapagsalita ng COMELEC National.
Dagdag pa ni Jimenez, bagamat mayroong nakita na kaunting pagkukulang sa pagpapatupad, sa kabuuan ay pasado naman sa pagpapatupad ng health and safety protocols ang nnagyaring plebisito..
“Natutuwa kami na nakita namin na naging maganda ang compliance sa ating minimum health protocols [or] minimum health standards. Medyo lang kailangan natin paigtingin yung marshaling natin. Ibig kong sabihin yung paalala sa mga tao. Kasi noong kasagsagan ng dating ng mga tao, kahit papaano nagdidikit-dikit pa rin sila. But in general, nasaway naman sila kaya naghiwa-hiwalay din sila, so overall maganda yung compliance sa ating minimum health standards.”
Dagdag pa ng tagapagsalita ng COMELEC, sa kanilang pagbabantay sa botohan kahapon ay masasabing matagumpay ito at kailangan na lamang malaman kung ano ang pasya ng mas nakararaming botante.
“Early assessment natin base sa ating monitoring na ginawa from start the process all the way of the end eh generally successful yung ating plebisito. By most metrics, successful itong ating plebiscite kailangan na lang malaman ngayon yung outcome.”
Discussion about this post