Kasado na sa Sangguniang Panlalawigan ang rekomendasyon na isali ang mental health sa monitoring habang naka-quarantine ang mga confirmed or suspected COVID-19 patients.
Ito ay base sa Resolution No. 221-21 na iniakda ni 1st District Board Member Juan Antonio Alvarez. Ang dahilan umano, ang COVID-19 ay hindi lamang nakakaapekto sa respiratory health kundi banta rin sa mental health ng mga taong infected ng virus.
“Dahil isa sa mga kalaban ng COVID patients ay ang kanilang pagiisip. Lalo na pag mag-isa ka lang ‘yung anxiety levels o kaba mo na hindi alam kung lalala ba ang sakit o hindi ay nakakadagdag sa stress mo. Alam naman natin ‘pag nai-stress tayo eh, ang resistensya natin ay lalong humihina at makaka-tulong ‘yun sa paglala ng COVID. Kaya mabuti din na macheck ng ating monitoring team ang mental health ng mga COVID patients”. Sa panayam ng Palawan Daily sa Bokal.
Hindi lamang umano dapat maging limitado ang monitoring sa kondisyon o sa mga sintomas na ipinapakita ng mga pasyente.
“It is highly recommended that the patients are given the choice of getting their mental health checked during this very worrisome time.” ayon naman sa nakasaad sa resolusyon.
Maaalalang kamakailan ay nagbukas na ang Mental Health Clinic ng lalawigan ng Palawan na matatagpuan sa Narra Municipal Hospital. Ang Incident Management Team (IMT) naman ay maaaring makipag-coordinate sa mga pribadong grupo na nago-offer ng counseling sa mga pasyente.
Discussion about this post