Arestado ng operatiba ang isang lalaki na wanted sa batas at rank no. 5 sa regional level. Inaresto ang kinilalang suspek na si Leo Asuncion Estigoy, 23 anyos, driver at residente ng Zone 5, Barangay Princess Urduja, Narra, Palawan, sa Manga Street, Barangay Poblacion ng nasabing munisipyo nitong ika-10 ng Sityembre, 2021.
Sa bisa ng warrant of arrest na dala ng “Narra MPS PIDMU, PIT PALAWAN; CIT PPCITY, all from RIU4B PNP IG; Highway Patrol Group Palawan; PIU and 2nd Platoon 1st PMFC” na pirmado ni Judge Jose Bayani Usman, Presiding Judge of Judicial Region Branch 50 (Family Court), Hall of Justice Puerto Princesa City, Palawan nitong July 22, 2021 sa kasong Rape By Sexual Assault na may piyansang P200,000.00 at sa kasong 3 counts ng rape na walang piyansa.
Samantala ang nasabing supsek ay nasa kostudiya na ng PNP para sa tamang desposisyon.
Discussion about this post