Patay na nang matagpuan ang isang 15 anyos na lalaki sa So. Calogcog, Barangay Ramos, Balabac, Palawan ganap na 9:00PM noong Oktobre 2, 2021.
Ayon sa report ng Provincial Police Office, kasama ng menor de edad na biktima ang kaibigan nitong nangingisda gamit ang spear gun nang atakihin ng buwaya. Sinubukan pan ng biktima na sumampa sa bangka ngunit nakagat ito ng buwaya sa ulo at dinala sa ilalim ng tubig.
Kinabukasan ganap na 9:19 AM, Oktubre 3, 2021, natagpuan ang katawan ng biktima sa pamamagitan ng ilang mangingisda at divers. Lumalabas sa imbestigasyon na ang sugat sa ulo ang ikinasawi ng biktima.
Discussion about this post