Sugatan ang Isang lalaki matapos na tagain sa purok Langka, Barangay Isugod, Quezon, Palawan. Oktobre 4, 2021.
Kinilala ang biktima na si, Eleoterio Librando Ferrer, 69 years anyos, may asawa magsasaka.
Habang ang suspek naman kinilala na si, Joselino Crampatanta Sase, 43 anyos, may asawa, magsasaka at parehon residente sa Purok Langka, Barangay Isugod, Quezon, Palawan.
Ayon sa Imbestigasyon ng awtoridad, kasama ng biktima ang siyam na taong gulang na anak na lalaki nito pauwi ng bahay at nadaanan ang suspek na nakainom at nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na nauwi sa pananaga.
Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi sa katawan ang biktima na agad isinugod sa Pagamutan.
Nahuli naman ng Quezon MPS ang suspek dala ang ginamit nitong patalim na maharap sa kaukulang kaso.
Discussion about this post