Matagal ng inirereklamo ng mga residente ng Barangay Tiniguiban sa lungsod ng Puerto Princesa ang ginagawang road widening partikular na sa south national highway na hindi matapos-tapos.
Ayon pa sa mga residente, nag-file na umano sila ng petisyon laban sa Department of Public Works and Highway (DPWH) dahil hindi na nila kaya ang paghihirap.
Sa naging paliwanag naman ni Engr. Domingo Delos Reyes na siyang Project Engineer na-delay umano dahil sa huli na dumating ang pondo para sa drainage at naging dahilan din ang madalas na pag-ulan kung saan sinimulan ang road widening noong April 2021 at marami rin ang naging suspension order ito.
Dagdag pa ni Delos Reyes ay meron pang dalawang projects ang Brgy. Tiniguiban at inabot na ng revised expiry noong December.
“Meron dalawang road widening at kailangan din magpalit ng panibagong equipment dahil sa nagkaroon ng problema ang supply para sa ginagawang road widening,” saad ni Delos Reyes.
“Ang road widening yan from Tiniguiban Elementary school hanggang PSU Road Kanto. Habang ang ginagawang drainage mula Tiniguiban Elementary School hanggang DPWH, so side by side may mga bago nang equipment at magdadagdag pa ako ng additional equipment para yong kabilang side ay magawa na.”
Patungkol naman sa petisyon ay nag-usap na rin umano sila ng kapitan ng Brgy. Tiniguiban bagama’t wala pang kasiguraduhan kong kelan matatapos ang ginagawang pagsira sa kalsada ngunit kanila na rin naman daw tataposin ang naturang mga proyekto.
Discussion about this post