Sumailalim sa fire safety seminar ng Bureau of Fire Protection Puerto Princesa City ang mga Person Deprived of Liberty (PDL) mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong ika-9 ng Marso upang magkaroon ng sapat na kaalaman kung sakaling magkaroon ng fire emergency.
Kasabay sa paggunita sa Fire Prevention Month 2022, ang aktibidad ay pinangunahan ni Chief Inspector Nilo T Caabay Jr. na siyang City Fire Director, kasama ang ilang pang mga personnel ng BFP.
Hinubog ang mga PDL sa paggamit ng kagamitang pamatay sunog upang sa ganun ay kanilang marescue ang kanilang mga sarili sa kapahamakan. Sa tala ng BFP, buwan ng Marso ang maraming naitatalang kaso ng sunog.
Umiikot din sa mga barangay ang kawani ng pamatay-sunog at nagsasagawa sila ng seminar sa mga opisyal ng barangay at komunidad.
Discussion about this post