Apat na lalaki na wanted sa batas sa tatlong munisipyo ang inaresto ng mga awtoridad ng Palawan Provincial Police Office kahapon, Lunes, Abril 11.
Sa Barangay Panacan, Narra, inaresto ng mga awtoridad ang lalaki na wanted dahil panggagahasa, na kinilalang si Nestor Ellazar Lagrada, 61 anyos. Walang pyansa sa kaso ng suspek.
Habang sa Barangay Apurawan, Aborlan naman inaresto si Joel Lesian, 40 anyos, residente ng Sitio Bubusawin na sinampahan ng kasong paglabag sa RA 7161 o Revised Forestry Code of the Philippines.
Kinakailangang makapagpyansa ito ng P40,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Sa Barangay Rio Tuba sa bayan ng Bataraza, dalawang lalaki naman ang hinuli ng mga awtoridad na kinilalang sina Hihorito Cuyos Trinidad Jr. at Reynaldo Rigno Nuña, pawang 61 anyos. Sinampahan ang dalawa ng paglabag ng RA 9175 (Chainsaw Act of 2002). May pyansa silang dapat ilagak sa halagang P48,000.00 bawat isa.
Ayon sa Palawan Provincial Police Office, ang mga lalaki na nahuli ay mayroong warrants of arrest mula sa korte.
Discussion about this post