Tila walang natira sa isang tahanan sa Saging Street, Barangay Poblacion, Narra, Palawan matapos tupokin ito ng sunog pasado 9PM, kahapon, Abril 19.
Ayon report ng Narra Fire Station, nakatanggap umano sila ng isang tawag mag-aalas nuebe kagabi mula sa isang concerned citizen na agad naman nilang nirespundehan.
Nagdeklarang “fire out” ang mga sumaklolong bumbero trenta minutos matapos na sila’t makarating at rumesponde sa nasabing lugar.
Kinilala ng mga ito ang nagmamay-ari ng bahay na si Ginang Shirly Necio. Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga bumbero sa ginagawang imbestigasyon ang aktuwal na halaga ng damage at dahilan ng nasabing sunog.
Sa ngayon ay humihingi naman ng tulong ang mga kakilala at kaibigan ng pamilya Necio upang makapag-simula muli sila sapagkat wala umano halos naisalba ang mga ito sa nasabing sakuna.
Discussion about this post