Nagkaroon ng dalawang araw na Public Hearing simula noong Agosto 16 at 17, ang mga kinatawan ng Komite ng Palengke at Bahay-katayan sa pangunguna ni Konsehal Feliberto Oliveros lll bilang Tagapangulo kasama si Market Superintendent Joseph Carpio na dinaluhan naman ng ilang mga nagtitinda mula sa luma at bagong palengke sa lungsod.
Base sa sulat na ipinaabot ni Carpio sa nabanggit na komite ay hiniling nito na susugan ang ilan panustos na nakasaad sa kabanata anim kaugnay ng Economic Enterprise na ameyendahan ang City Ordinance No. 397 o mas kilala bilang City Market Code.
Ang Komite ng Pamilihan at Bahay-katayan ay nagsagawa ng apat na beses na pagpupulong at dalawang public hearing upang matalakay ng maayos at marinig ang mga suhistyon at mungkahi ng mga dumalo, lalo na ang mga manininda sa bago at lumang palengke.
Ayon kay Konsehal Luis Marcaida lll, dinaluhan ng halos lahat ito ng mga manininda at ipinakita sa kanila ang halagang itataas sa mga singilin sa pamilihan at ipinaliwanag ng komite ang huling pagbabago patungkol sa pagtaas ng mga singilin ay noon pang taong 2018.
“Halos labing apat na taon ng nakakalipas mula ng ma-aprobahan ang Ordinansang 397, at hanggang ngayon ay basehan parin nang pagsingil ng Tanggapan ng Tagapamahala ng palengke. At upang mawala ang agam-agam ng mga [manininda] kung ito ay ipatutupad agad-agad ipinaliwanag naman sa mga vendors na ang pagpapatupad ng pagtaas ng mga singilin sa palengke ay pagkatapos na nang pagpapatayo ng mga bagong pamilihan ng bayan at magsisimula narin ang pamamalakad nito,” ani ni Marcaida.
Samantala, sa ngayon ay hinihntay na lamang na matapos ang dalawang palengke sa Barangay Irawan at sa Old Buncag.
Dagdag pa ni Marcaida, sa oras na matapos ang isa sa dalawang palengke ay agad na ipatutupad ito sa pamilihang bayan at posible narin tanggalin ang salitang talipapa sa ordinansa.
“Unang-una yung pagtatanggal ng salitang talipapa dito sa ordinansa kasi hindi sinama ang talipapa, malinaw sa definition of terms na ang palengke ay yung mga lugar na itinayo ng Pamahalaang Panlungsod na kung saan ginagamit bilang palengke,” ani ni Marcaida.
Kaugnay nito, ipinagkatiwala na ng komite kay Market Superintendent Carpio ang pangangasiwa o kapangyarihan na magdesisyon sa mga bagay na may kaugnayan sa pamilihang bayan.
Discussion about this post