Sa kabila ng hindi pag- oobligang magsuot ang lahat ng face mask, ipinahayag ng pamunuan ng Kagawaran ng Kalusugan na obligado ang lahat o mandatory pa rin ang bawat isang magsuot nito, partikular sa mga indoor settings lalo na sa mga pasilidad de medical at mga pampublikong sakayan.
Matatandaan na kamakailan lamang ay nag- anunsiyo ang Kagawaran ng Turismo na magiging boluntaryo lamang ang pagsuot ng face mask sa indoor places.
Nguni’t mariin naming nagpahayag si OIC Usec. Maria Rosario Vergeire ng Department of Health, na kailangan pa ring magsuot ng face mask sa loob ng mga healthcare facilities tulad ng clinics, hospitals, laboratories, nursing homes at dialysis clinics, samantalang mandatory din ito sa medical at public transport.
Bilang karagdagan, mahigpit naman ang panawagan ni Pediatric Infectious Diseases Expert Doctor Ana Ong Lim sa mga estudyante na patuloy na magsuot ng face mask sa loob ng paaralan.
Ito ay sa kabila na nagpahayag din ang pamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon na magiging optional na ang pagsuot ng face mask sa mga estudyante.
Sinabi ni Lim, hindi kakikitaan ng negatibong epekto kung patuloy na magsusuot ng face mask ang mga mag-aaral bilang kanilang proteksyon sa anumang nakahahawang sakit kasunod ng implementasyon ng full face to face classes simula Nobyembre.
Ayon kay Lim, dulot na may tinatanggal na ‘layer of protection’, magkakaroon ng pagtaas ng kaso ng COVID-19, kaya naman hindi mahirap na patuloy na magsusot ng mask dahil nakasanayan na itong gawin ng publiko.
Sa pahayag ni Lim, “alam naman natin na ‘pag nagbabago ang ating scenarios hindi natin maiiwasan na dadami ang ating kaso. Noong nagbukas tayo ng ating communities’ dumami ang mobility syempre nakita natin dumami ang kaso. So, ito na naman tayo magkakaroon na naman tayo ng pagbabago, magkakaroon na naman tayo ng pagkumpol-kumpol ng mga bata sa school setting. So, mas madali siguro mabantayan kung ano ang magiging epekto nitong mga changes na ito kung isa-isa lang ang bina-vary natin. Pwede namang magsuot pa rin sila ng mask habang tinitingnan natin or binabantayan natin kung dadami pa ang kaso dahil magsama-sama na ang mga bata sa school.I think we have learned enough in the past two years to realize that masking is very valuable. It’s not particularly difficult naman ano and I think lahat naman tayo nasanay na rin dito sa isang health habit na ‘to na nakakatulong not just COVID but for many other infectious diseases particularly respiratory infections”.
Samantala, aminado naman si Dr. Althea de Guzman ng DOH Epidemiology Bureau na Malaki ang posibilidad na tumaas ang kaso ng COVID-19 kasunod ng panibagong kautusan sa pagluluwag ng paggamit ng face mask. Bilang antisipasyon, mas dapat na tutukan ang hospital admissions kaysa ang mga kasong maaring maitala.
Sang-ayon kay Dr. De Guzman, “we are shifting the paradigm natin na dati focus tayo sa dami ng kaso, ngayon bantayan natin, dumadami din ba ang hospitalization, napupuno ba ang ating mga hospitals? ‘Yun ang dapat na makita at ‘yun ang nakita natin kinakaya. With this removal of another layer of protection at ito ‘yung binanggit nga ni Dr. Ana higit pa ‘yung halaga na bantayan natin kung magkakaroon pa ng epekto hindi na siguro sa kaso, doon sa admissions natin, doon sa sino po ba ang na-admit.
Discussion about this post