Patuloy na nanindigan ang pamunuan ng Philippine National Police sa pangunguna ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., na walang dapat ikatakot ang sinumang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa pagsusumite ng courtesy resignation lalo na’t itinuturing nila ang kanilang mga sarili na inosente at walang kinalaman sa anumang transaksyon may kinalaman sa iligal na droga.
Binigyang diin ni Azurin na walang balak ang kanyang pamunuan na ibagsak ang PNP bagkus ay kailangang magkaroon ng kumpiyansa ang bawat isang miyembro nito upang magkaroon ng buong kooperasyon mula sa mga mamamayan ng bansa.
Inaasahang sa pamamagitan ng istratehiyang ito ay makatitiyak na ang mga susunod na henerasyon na mga miyembro nito ay walang bahid ng masamang imahe lalo na sa mga susunod na henerasyon ng mga heneral at lider ng ahensiya.
Kaugnay nito, naniniwala si Azurin na susunod ang kanyang mga tauhan sa pagsusumite ng kanilang courtesy resignation kung kayat hindi na kailangan na isailalim sa loyalty check ang mga ito kasabay ng kanyang kumpiyansa na suportado siya ng mga kawani ng Philippine National Police hinggil sa kampanya laban sa iligal na droga.
“Kung walang itinatago, hindi dapat na matakot,” ayon kay PGen. Rodolfo Azurin Jr., chief, PNP.
Discussion about this post