Walong katao ang napasakamay ng Puerto Princesa City Police Office sa ginagawang one time-big time operations simula Pebrero 1 hanggang Pebrero 7, 2023, kabilang ang 2 most wanted persons, 4 wanted persons at 2 na lumabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa ibinahaging report ng Puerto Princesa City Police Office sa news team, kinilala ang mga arestado na sina Marlon Dayata alyas Nonoy, Top 7 high value target ng Regional Level-Police Regional Office 4B-Mimaropa na most wanted at nasa watchlist at top 9 ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ang suspek nahuli noong Pebrero 1, sa Zone 2, Barangay Poblacion, Public Market Laguindingan, Misamis Oriental sa pamamagitan ng Intel Operatives ng PPCPO at mga kapulisan ng Misamis.
Noong Pebrero 2 naaresto naman sina Romano D. Belono na Top 5 sa kasong rape, at Noly Favilla Top 8 most wanted person sa kasong frustrated murder.
Nakapagtala rin ang Police Station 1 noong Pebrero 2 na naaresto si April Bornidor na residente sa Barangay San Pedro na kinasuhan naman ng rape by sexual assault na may piyansang P120,000.00.
Naaresto naman si Dave Jason Occena at Dominique Cabang sa Barangay Model sa kasong slander/oral defamation noong Pebrero 3.
At Pebrero 3, nahuli naman sa drug operation ang dalawang high value targets na sina Jimmy Ansan Reyes, alyas “Jimmy” sa Zone 1, Wescom Road, Purok Bagong Silang Barangay San Miguel, at Dexter Corpuz Duran na nahuli naman sa Zone 11, Barangay Irawan. Ang mga ito nahaharap sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pebrero 6, naaresto naman si Edizon Elesterio sa Purok Bagong Silang, Barangay San Rafael sa kasong paglabag ng R.A 7610.
“This week-long operation is a proof that Puerto Princesa City Police Office continues to adhere to our commitment to fight against illegal drugs and other sort of criminalities in the city. Every effort counts. Let us work to make our communities a better place for all,” ayon kay Police Colonel Roberto Bucad ang City Director ng PPCPO.
Hinihikayat naman ang mamamayan na agad mag-report sa kapulisan kung may mga kahina-hinalang tao at tumawag lamang sa kanilang hotline numbers:
0998-5985-904
0927-1624-065
0908-8201-910.
Discussion about this post