Nagpanukala ng isang resolusyon si Konsehal Nesario Awat sa pamamagitan ng kahilingan o rekomendasyon ng Committee ng Philippine National Police (PNP) at Highway Patrol Group (HPG) na ipagbawal ang “tailgating” at paggamit ng “wang-wang” sa mga hindi awtorisadong sasakyan sa lungsod ng Puerto Princesa.
Anya, maging ang mga opisyales ng gobyerno ay hindi maaring gumamit ng wang-wang dahil ang awtorisado lamang na gumamit nito ay ang mga kawani ng PNP, BFP, at mga ambulansya ng iba’t-ibang ospital sa lungsod.
Nais din ni Awat na higpitan ang tailgating sa mga ambulansya at fire trucks, bagaman walang naipakitang record ang HPG na may nahuli o lumabag.
“Tayo ay nagpanukala through the recomendation ng committee ng isang resolution na hinihiling ‘yung ating PNP including the Highway Patrol na iimplement nila ‘yung un-authorized wang-wang at saka yung tail gating, sa ating mga ambulance at saka bombero,” ani Awat.
Dagdag pa niya ay kasama rin sa resolusyon ang kahilingan na ipagbawal ang paglalagay ng commemorative plate number na hindi angkop sa batas.
“Kasama sa resultion na hinihiling natin na bawal ang paglalagay ng comemorative plate no. Kasi talagang yun ay hindi naayon sa batas, like yung may nakalagay na lawyer sa sasakyan na parang lumalabas yun ang plate no. Hindi po yun karapat-dapat.”
Samantala upang mabantayan o mamonitor ang magiging daan ay ang mga Media na maaring magreklamo sa konseho kung ipinatutupad ng mga awtoridad ang nilalaman ng ordinansa.
Discussion about this post