Opisyal nang binuksan ang “Mobilization Exercise 2023 (MOBEX 2023)” ng Philippine Navy (PN) sa pamamagitan ng Naval Forces West (NFW) noong Mayo 27.
Ang simpleng seremonya ng pagbubukas ay ginanap sa Naval Station Apolinario Jalandoon sa Barangay San Miguel, Puerto Princesa City na may pangalawang komandante para sa marine operations, Naval Forces West, Col Ronaldo V Juan PN(M)(MNSA) bilang Presiding Officer at keynote speaker.
Ang Mobilization Exercise ay isang ehersisyo sa loob ng PN na may layong pagsamahin ang Reserve Force at Regular Force kung saan magkakaroon ng isang senaryo dito sa Palawan bilang AOR ng NFW.
Layunin nito na mapahusay ang kakayahan ng fleet-marine kasama ang konsepto ng PN Reserve Force lalo na sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga operasyong amphibious sa mga littorals at palakasin ang pakikipagtulongan ng iba’t ibang ahensiya sa pagsuporta sa mga operasyong Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR).
Ang highlight ng ehersisyo ay ang aktuwal na demonstrasyon ng kakayahan ng amphibious operation bilang suporta sa mga operasyong HADR gamit ang mga PN surface assets na kasama ang BRP Mangyan (AC71) at BRP Benguet (LS507) na gaganapin sa mga baybaying-dagat ng Barangay Buenavista, Puerto Princesa City sa Hunyo 1.
Bago ang nasabing demonstrasyon ng amphibious capability, ang mga lumalahok na PN vessel ay magsasagawa ng mga ehersisyong pandagat o at sea events na kasama ang Shipboard Evolutions/Drills, Officer of the Watch Maneuver Exercise (OOW MANEX), Naval Tactics (NAVTACS), Publication Exercise (PUBEX), Semaphore Exercise (SEMAPHOREX), Flashing Exercise (FLASHEX), at Photo Exercise (PHOTOEX).
Isasagawa rin ang Maritime Air Surveillance, RDANA, Medical Evacuation (MEDEVAC), PHOTOEX na kasama ang AW 109(NH431), isang naval helicopter mula sa NAOS-West.
Sa hapon, magkakaroon rin ng medical mission, gift giving activity, at feeding activity sa basketball court ng Barangay Buenavista na sasalihan ng Medical Dispensary ng Naval Installation Facilities-West (NIF-W), Civil Military Operations Unit-West (CMOU-W), at Naval Reserve Center-West (NRCEN-W).
Bukod pa rito, bago ang ehersisyo, may mga serye ng pagsasanay para sa mga reservists ng PN sa ilalim ng Naval Reserve Center-West (NRCEN-W), mga lektura at praktikal na kabilang ang Marksmanship Training, Visit, Board, Search, and Seizure (VBSS), Water Search and Rescue (WASAR), Rubber Boat Operation, Over The Beach (OTB), Land Navigation and Immediate Action Drills, Collapsed Structure Search and Rescue (CSSR), na pangangasiwaan ng 3rd Marine Brigade, Naval Special Operation Unit-West, at PDRRMO.
Discussion about this post