Pinangunahan ng Provincial Nutrition Office (PNO) katuwang ang Provincial Health Office (PHO) at Bantay Kalusugan ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon sa Palawan Provincial Jail noong Hulyo 10.
Inisipang maigi ang blood pressure ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) at ng mga kawani ng piitan, kasama ang paggawa ng Body Mass Index (BMI), at nagpatupad rin ng lecture at nutrition counseling.
Ayon kay Rachel Paladan, Provincial Nutrition Action Officer, taun-taon ginagawa ang aktibidad na ito ng tanggapan upang bantayan ang kalusugan ng mga ito.
“Taun-taon talaga nating ginagawa ito dahil mataas din ang bilang ng mga non-communicable diseases sa kanila. Isa sa mga intervention na ginagawa natin ay ang pagmomonitor at pagpapalawak ng kaalaman,” ani Paladan.
Malaking tulong din sa kalusugan ng mga PDL ang kanilang food garden kung saan sila’y nagtatanim at nakakakuha ng sariwang prutas at gulay.
“Bilang bahagi ng ating tema na ‘Healthy Diet Gawing Affordable for all,’ sinama rin natin ang mga PDL sa lecture upang bigyan sila ng kaalaman kung paano maging masustansiya at balanseng ang kanilang kinakain bukod sa mga pagkain na ibinibigay ng pamunuan. Kailangan nila ng karagdagang sustansiya na maaaring makuha nila nang libre mula sa kanilang backyard garden,” sabi ni Paladan.
Sa pag-uusap, binigyang-diin naman ni Dr. Faye Erika Labrador, Provincial Health Officer, ang tema ng Nutrition Month ngayong taon na “Healthy Diet, Gawing Affordable for all!”
“Maraming uri ng diet ang kasalukuyang popular, tulad ng keto diet at low carb diet na napakamahal ngunit ang pinakaimportante sa lahat ay ang abot-kayang pagkain. Alam niyo ba na maaari tayong magtanim sa ating mga tahanan? Kung wala kang lupa, maaari rin magtayo ng vertical garden,” pahayag ni Labrador.
Samantala, ang PNO ang responsable sa pagbuo ng menu para sa mga PDL upang matiyak na nagtataglay ito ng tamang nutrisyon at naaayon sa ibinahaging budget.
Ayon kau PCOL. Gabriel C. Lopez (RET.), bilang Provincial Jail Warden malimit na ginagawa ifo ng PNO at PHO.
“Hindi lamang isang beses pumunta ang PNO at PHO sa Provincial Jail, palaging nakikipag-ugnayan sila sa Nutrition Office upang masubaybayan ang diet ng mga PDL,” ani Lopez.
“Ang ating Provincial Nutrition Office at Provincial Health Office ay hindi bago sa lugar na ito. Palagi silang nakikipag-ugnayan sa amin. Ang Nutrition Office natin ang nagmomonitore ng diet ng mga PDL, ang menu, at pinagtutuunan nila ng pansin na maging nutritious pa rin kahit na may limitadong badyet,” dagdag niya.
Bilang bahagi ng Bantay Kalusugan sa Provincial Jail, magkakaroon rin ng Zumba Contest at Cooking Contest sa Hulyo 20.
Discussion about this post