Huli ng mga operatiba ng Roxas Municipal Police Station ang isang lalaki matapos mabilhan ng ilegal na sigarilyo sa Brgy. Tagumpay, Roxas, Palawan noong Oktubre 24, pasado alas-12:00 n.u.
Ang suspek ay natukoy bilang si Sammy Monsales Villagracia a.k.a. Tammy Padul, 26-anyos, self-employed, at naninirahan sa Brgy. Tagumpay, Roxas, Palawan.
Nadakip ang suspek sa isang joint operation ng Roxas MPS laban sa ilegal na sigarilyo at nabilhan ng labimpitong (17) kahon (reams) ng New Berlin cigarettes na nagkakahalaga ng 1,500 piso.
Narekober mula sa kanyang pag-aari ang sumusunod:
Isang pirasong sako na may kulay asul na naglalaman ng labimpitong (17) kahon (reams) ng New Berlin Cigarette; isang sling bag na may kulay itim; isang libo-pisong bill na boodle money at Limang (5) piraso ng One Hundred Peso bill na tunay na pera na ginamit bilang buy bust money at apat (4) na sako, kulay puti, na naglalaman ng Isang daan at sitenta (170) na kahon (reams) ng New Berlin cigarettes na tinatayang nasa mahigit PHP 83,500 kabuon ang nakolekta.
Paglabag sa RA 10643 o ang The Graphic Health Warnings Law ang isasampang kaso laban sa suspek.
Discussion about this post