Nagsimula nang mamahagi ng tulong pinansyal ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha sa lungsod ng Puerto Princesa.
Sa isinagawang flag raising ceremony, inanunsyo ni Punong Lungsod Lucilo Bayron na mahigit 5,826 pamilya ang naapektuhan batay sa datos noong Biyernes. Bawat pamilya ay makatatanggap ng ₱3,000 bilang tulong mula sa lokal na pamahalaan.
Matapos ideklara ng Sangguniang Panlungsod ang State of Calamity, nailaan ang pondong ₱86 milyon para sa mga nasalanta. Ayon kay Bayron, maaari na ring magdeklara ng State of Calamity ang mga barangay na matinding naapektuhan ng baha. Sa ngayon, umabot na sa ₱17.4 milyon ang naipamahagi sa mga residente.
Dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha, maraming residente ang nangangamba na muling maulit ang ganitong sakuna. Marami ang nais malaman kung ano ang magiging hakbang ng pamahalaang lungsod upang maiwasan ang ganitong sitwasyon sa hinaharap.
Discussion about this post