Nakiisa sa pag-celebrate ng ika-8 anibersaryo ng Hue Hotel Puerto Princesa ang mga aktress na sina Nadine Samonte at Mellisa Ricks, at maging si DJ Nicole Hyala ngayong gabi, Hunyo 6, sa La-Ud Restaurant.
Pangungunahan ng mga aktres ang pagpapakilala sa mga bagong amenities na makikita sa nasabing hotel, kabilang na ang bagong bar sa gilid ng swimming pool nito.
Inaasahan din na mag-iikot bukas, Hunyo 7, ang mga aktres at ibang guests upang puntahan ang ilang tourist destinations sa lungsod.














