Nadakip ng mga awtoridad ng Dumaran Municipal Police Station (MPS) ang isang 87-anyos na magsasaka na itinuturing din na wanted person dahil sa kasong Statutory Rape (2 counts) sa Barangay Magsaysay, Dumaran, Palawan noong Hulyo 11, 2025.
Kinilala ang suspek sa Alias na “Enoy,” at residente ng Brgy. Itangil, sa parehong bayan.
Ayon sa spot report ng Palawan Police Provincial Office (PPO), naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest (WOA) na inisyu ni Judge Jocelyn Sundiang Dilig ng RTC-Branch 47 – Puerto Princesa at Palawan noong Nobyembre 24, 2016 para sa kasong Statutory Rape (2 counts).
Wala namang itinakdang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Samantala, kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Dumaran MPS ang matanda at nakatakdang ipresenta sa issuing court para sa tamang disposisyon.














