ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Agriculture

Pagbabalik ng Kadiwa centers, aprobado sa mga magsasaka at mangingisda ng Palawan

Claire S. Herrera-Guludah by Claire S. Herrera-Guludah
November 10, 2022
in Agriculture
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Pagbabalik ng Kadiwa centers, aprobado sa mga magsasaka at mangingisda ng Palawan

Photo Credits to Department of Agriculture

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Umani ng positibong reaksyon ang napabalitang pagsusulong sa kongreso ng isang panukalang magpapabalik sa paglalagay ng mga Kadiwa centers sa bansa.

Laking galak ni lolo Modesto ng Barangay Plaridel, Aborlan, Palawan nang mapabalita ang balakin ng isang mambabatas na ibalik muli ang Kadiwa Centers.

RelatedPosts

BFAR trains Bangus fish cage operators to sustain local production in Puerto Princesa

Palawan Wagyu Farmers Association formed

Program for Palawan’s Wagyu Beef production linked to tourism eyed

Sinabi ni lolo Modesto, malaking tulong para sa kanilang magsasaka ang pagkakaroon nito (Kadiwa center)  dahil direkta na nilang maibebenta ang kanilang mga produkto sa presyong tapat at hindi na dadaan pa sa mga mayayamang mamumuhunan na sa dakong huli ay halos angat pa sa kanilang presyong puhunan ang halaga ng kanilang mga produkto.

“Isang magandang balita yan, sana sa lalong madaling panahon ay maibalik ang Kadiwa center, makakatulong ito ng malaki sa amin mismong mga nagtanim at nag-aani ng mga pananim”, ayon kay lolo Modesto.

Para naman kay Manong Rafael , isang mangingida ng Barangay Panacan, bayan ng Narra, panahon na para muling magkaroon ng mga Kadiwa centers. Sinabi nito na noong kanilang kapanahunan, direkta nilang naipagbibili ang kanilang mga hulintg isda sa mga residente ng kanilang lugar, at ang presyo ay hindi ganitong nagtataas nguni’t ang bawat isa ay masasabing tama lamang ang nabiling produkto at ang kitang napunta sa kanila.

Ayon kay Manong Rafael, “noong bata pa ako, kasama ako ng aking ama papunta sa mga Kadiwa, tapos mabilis ang bilihan sa presyong gusto naming at sa produktong nais ng bumibili, walang agrabyado at  maganda ang negosyo.”

Napag-alaman na isinusulong ni Agri Party-list Rep. Wilbert Lee sa liderato ng Kamara at ninanais nito na bigyang suporta ang kanyang panukalang batas na magtatatag ng Kadiwa Agri-food Terminals sa lahat ng siyudad sa buong bansa, para makatulong sa mga magsasaka at mangingisda nang sa gayon ay tuluyan nang mapababa ang epekto ng pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ang panukalang batas ni Lee ay sakop ng kanyang House Bill No. 3957 o “Kadiwa Agri-Food Terminal Act” na mag-iinstitutionalize sa mga food terminal na pangangasiwaan ng Department of Agriculture at local government units.

Ayon kay Congressman Lee, ito ang epektibong solusyon sa gitna ng patuloy na pagtaas ng inflation rate na ngayon ay nasa 7.7% na. Sa sandaling maibalik na ang pagkakaroon ng Kadiwa Centers, mawawalan na ng saysay ang mga nag-aastang middlemen sa mga negosyong lokal na kung saan naaapektuhang direkta ang mga magsasaka at mangingisda, at maaari na nitong mapababa ang presyo ng mga bilihing local ng mula 10 hanggang 20 porsiyento.

Sinabi ni Lee, “sa bilis ng pagtaas ng inflation, naiiwan na may mas mabigat na pasanin ang ating mga consumer. Kasama dito ang ating mga magsasaka at mangingisda na katiting na nga lang ang kinikita, problemado pa sa nagtataasang presyo ng bilihin. ”

Share31Tweet20
ADVERTISEMENT
Previous Post

City ENRO intensifies bioremediation of coastal waters through EM mudballs

Next Post

Triathletes na kabilang sa IRONMAN 70.3, unti-unti nang dumarating sa Puerto Princesa; kahandaan at siguridad ng lungsod, kasado na

Claire S. Herrera-Guludah

Claire S. Herrera-Guludah

Related Posts

BFAR trains Bangus fish cage operators to sustain local production in Puerto Princesa
Agriculture

BFAR trains Bangus fish cage operators to sustain local production in Puerto Princesa

May 5, 2026
Palawan Wagyu Farmers Association formed
Agriculture

Palawan Wagyu Farmers Association formed

April 29, 2026
Program for Palawan’s Wagyu Beef production linked to tourism eyed
Agriculture

Program for Palawan’s Wagyu Beef production linked to tourism eyed

April 21, 2026
Narra’s new P67M rice facility aims to shield Palawan from price shocks
Agriculture

Narra’s new P67M rice facility aims to shield Palawan from price shocks

March 27, 2026
DA grants P4.6 Million goat multiplier farm for Puerto Princesa
Agriculture

DA grants P4.6 Million goat multiplier farm for Puerto Princesa

November 19, 2025
Farmer in Puerto Princesa’s Sta. Lucia finds success in cabbage farming
Agriculture

Farmer in Puerto Princesa’s Sta. Lucia finds success in cabbage farming

September 29, 2025
Next Post
Triathletes na kabilang sa IRONMAN 70.3, unti-unti nang dumarating sa Puerto Princesa; kahandaan at siguridad ng lungsod, kasado na

Triathletes na kabilang sa IRONMAN 70.3, unti-unti nang dumarating sa Puerto Princesa; kahandaan at siguridad ng lungsod, kasado na

Dealing with floods

Dealing with floods

Discussion about this post

Latest News

Congress pushes for strengthening energy and supply security

Congress pushes for strengthening energy and supply security

May 18, 2026
City eyes digital payout for allowances

City eyes digital payout for allowances

May 18, 2026
Structure in mangroves area demolished

Structure in mangroves area demolished

May 18, 2026
Seaside Cebu Arena to open this June 2026

Seaside Cebu Arena to open this June 2026

May 15, 2026
PAGASA: El Niño may emerge starting June 2026

PAGASA: El Niño may emerge starting June 2026

May 15, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15262 shares
    Share 6105 Tweet 3816
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11719 shares
    Share 4688 Tweet 2930
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10301 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10119 shares
    Share 4048 Tweet 2530
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9749 shares
    Share 3899 Tweet 2437
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us