Labindalawang (12) mga establisyimento sa siyudad ang naisyuhan ng Notice of Violations dahil sa hindi pagsunod sa ordinansa ukol sa mandatory na pagsusuot ng facemask.
Isinagawa ang biglaan at random inspection ng pinagsanib na pwersa ng City Incident Management Team (IMT), Business Permits and Licensing Office (BPLO), City Anti-Crime Task Force, at City Information Office (CIO) kahapon, Agosto 13, kasabay ng pagpapababa ng mga Notice of Violation sa mga Commercial establishment dahil sa paglabag sa City Ordinance No. 1050.
“Kauna-unahan po ito na joint operation [namin] pero since [the month of] May po, nanghuhuli na ang BPLO,” ayon sa tauhan ng City IMT-Puerto Princesa.
Sa online post ng City IMT-PPC, nakasaad na ikinasa ang joint operation dahil sa mga natanggap na report ng IMT at BPLO mula sa mga concerned netizen hinggil sa mga paglabag ng ilang mga establisyimento sa mandatory na pagsusuot ng face mask habang nagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan.
“Those who were caught in the act and by a hidden camera were immediately given a notice of violations with corresponding fines and penalties,” ang nakasaad pa sa post.
Magpapatuloy naman umano ang nasabing operasyon sa iba’t ibang bahagi ng Lungsod ng Puerto Princesa para sa kaligtasan ng mga mamamayan at gagawin nila ito nang walang paabiso.
Discussion about this post