Ilang araw bago ang Kapaskuhan ay nagsagawa ng isang regular na sesyon ang Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa kahapon ng umaga, Dec. 21, 2020.
Naging sentro ng kanilang talakayan ang apat na mga Sanggunian Draft Ordinance (SDO) para sa Ikatlo at Pinal na Pagbasa bagamat tatlo lamang sa mga ito ang naaprubahan ng Konseho.
Ang nasabing mga paksa ay:
1.) SDO No. 183-2020 o ang pag-aamiyenda sa Section 22, I.B. ng Chapter VIII ng Ordinance No. 461 o mas kilala bilang “New Puerto Princesa City Investment Code of 2020” na inamiyendahan ng Ordinance Nos. 747 at 836 na inihain ni Konsehal Peter “Jimbo” Maristela.
2.) SDO No. 160-2020 Ang ordinansang magpapataw ng parusa sa sinuman na ilegal na maghihikayat sa isang tao na ma-access at gamitin ang foreshore lands at ang mga salvage zone na nasasakupan ng Lungsod ng Puerto Princesa.
3.) SDO No. 187-2020 Isang ordinansa na nag-aapruba usa General Fnd Supplemental Budget No. 4 para sa taong 2020 ng lungsod na nagkakahalaga ng P151,235,906.16 na sponsored naman ng Committee on Appropriations.
Ang ordinansa na hindi naaprubahan ay ang SDO No. 140-2020 o ang ordinansang nagrerebisa sa kasalukuyang Puerto Princesa Market Code, na layong i-regulate ang pagtatayo, klasipikasyon, operasyon at pangangasiwa ng mga palengke at iba pang market-related activities ng siyudad na iniakda nina Kgd. Roy Gregorio Ventura at Kgd. Robert Elgin Damasco. Na-recommit naman ang nasabing usapin sa Committee of the Whole.
Samantala, magbabalik-sesyon naman ang Sangguniang Panlungsod sa susunod na ng buwan ng Enero 2021.
Discussion about this post