Nagsasagawa ngayong araw May 1, 2022, ng Job Fair sa Robinsons Place Palawan, ang DOLE MIMAROPA kaugnay sa selebrasyon ng Labor Day.
Ayon kay DOLE MIMAROPA Regional Director Naomi Lyn Abellana, marami umanong pagpipiliang trabaho ang mga Palaweño mapalokal man o abroad.
“For May 1 we only have one major activity and that is a job fair and includes local and overseas vacancies. For the local vacancies we have around 920 plus and this involves around 39 establishments and for the overseas we only have two (2) recruitment agencies pero marami-rami naman yung mga vacancies na bitbit nila. Mostly mga bitbit nila is mga skilled workers,” pahayag ni Abellana.
Dagdag pa ni Director Abellana, hindi sabay-sabay ang pagsasagawa ng job fair ng DOLE MIMAROPA kung saan sa Palawan lamang umano sila nagsagawa ngayon.
Ngunit paliwanag naman ni Abellana: “We are only conducting the job fair only in Palawan. Hindi po natin puwedeng maging whole region [MIMAROPA] kasi island municipalities po tayo. Mahihirapan po yung aplikante coming from the other islands to come over to Palawan. Kaya concentrated po tayo sa Palawan dahil Palawan is the biggest Province of the MIMAROPA.”
Katuwang din ng DOLE MIMAROPA ang City PESO sa pagsasagawa ng Job Fair.
“Kami sa City PESO ang naatasang mag-invite ng mga local employers. So mayroon tayo ngayon na 39 employers so kami po ang kumukuha ng kanilang mga vacancies, nagko-coordinate and also yung iba pang kailangan in terms doon sa ating facilitation ng mga local employers na kasama natin dito ngayon sa job fair,” ani ni City PESO Manager Bong Lopez.
Samantala, iniimbitahan ang lahat ng dumalo sa nasabing aktibidad ang lahat ng mga nagnanais magkaroon ng trabaho dahil hanggang ngayon araw lang din umano ito mismo gagawin.
Discussion about this post